Tuesday, February 14, 2012

street wise :D

uy valentines na pala aking mahal
ang tulin naman ng panahon
parang kelan lang valentines ah
naku kahapon lang pala yun

hindi man february 14 kahapon
pero parang ganito din kahapon
kasi naman kasi araw araw na kasama ka,
 kausap ka e valentines day na din yon.

maiba ako magkita tayo mamaya
ok na ba sayo ang mcdonalds ha?
hahaha! syempre medyo special ngayon
kaya sige sa KFC tayo ha (kapitolyo food court)

tama na nga ang kalokohan at eto mine seryoso na to'
sa totoo lang im looking forward not for this day
but for the day that you will say i do
hindi naman ako nagmamadali, tulinan mo lang mine nho?!

hahaha! ah basta mine magiging masaya ang araw na to'
kaya see you later my love
i love you ah, im loving you din at syempre
i will love you so very very much pa at forever and ever, till d day i die and live again... awooooo XD

Thursday, February 2, 2012

ina

Siya ang aking takbuhan
sa oras na kailangan
sa oras na umuulan
ng luha saking mga mata

Siya ang aking taga payo
sa oras na magulo
ang isip at puso ay
hindi nagtatagpo

Siya ang aking ina
na laging handa
na magbigay ng oras at panahon
upang mapunan ang pagkukulang

Sa mundong magulo
Siya lamang ang matino
Pinapakita ang tamang angulo
Kung bakit ganito ang mundo

Siya ang aking ina
Na laging nandyan
Laging walang hiling kundi
Kabutihan namin

Siya ang aking superhero
na handang sumaklolo
sa oras na nadehado
at bugbogsarado ang katawan

Sa hirap nang buhay
saya ay laging nakaagapay
tahimik na nagmamanman
upang aking malaman

ang mali at ang pawang katotohanan
na dapat kong malaman na magisa
upang maging handa
sa buhay na magisa.

Monday, January 30, 2012

Realidad #10

There will come a time that...
mawawalan ka ng nang pera at kelangan mo nang magtrabaho!!!
HAHAH JOB HUNTING MODE!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...